ASTIG EPISODES
Information:
Nabuo ang popular na salitang ‘astig’ sa binaliktad na pagbaybay sa salitang-ugat ng ‘matigas’ na ‘tigas’. Isa itong konsepto na naaayon sa pansariling kaisipan ng isang tao hinggil sa mga bagay, tao, o pangyayari na katangi-tangi. Halimbawa, ito ay ginagamit upang ilarawan ang isang taong malakas ang loob, may sariling paninindigan o likas na matigas ang ulo. Sa paglipas ng panahon, ang salitang ‘astig’ ay unti-unti nang naging bahagi ng pananalita ng mga kabataang Pilipino.




